Traditional Catholic Latin Mass

To learn about the Traditional Latin Mass go to www.sanctamissa.org this site will be very helpful to all (priest, seminarians, servers, sacristans and the lay)

PRAYER REQUESTS

For some reasons this blog will be transformed into a Traditional Latin Mass Blog... Articles and news will soon be posted. Those who would like to know the reasons for the change may email fatimadevotion@yahoo.com, please give a little introduction of yourself. Tahnk you.

In as much as I would like you to update about the LDB many reasons hindered me to do so. Thank you and please continue to pray.

Thursday, November 5, 2009

Nov. 13 pagtatalaga LDB

Ika-13 ng Nobyembre ng nagkaroon ng pagtatalaga ng mga bagong lingkod



















Friday, October 2, 2009

DONATE A CLOTH (or other goods)

Inspired by one of the mothers of the LDB, we are now going to start a donation drive (clothing and other goods) for the victims of typhoon Ondoy. since the LDB has no means of transporting the cloths that we will be able to collect, we are still thinking of asking some people to help us with this problem. As of this time of posting there are already several individual who promised to send some clothing.


WE WILL ACCEPT YOUR DONATIONS TOMORROW SATURDAY (OCTOBER 3, ONWARDS) BRING YOUR DONATIONS AT THE FATIMA CHAPEL OF THE BARNABITE FATHERS AT PUROK 163 (FORMER SMSK), SAN JOSE, TAGAYTAY CITY. YOU AMY ALSO CONTACT US THROUGH THE NUMBER AND EMAIL ADDRESS THAT APPEAR ABOVE THIS POST. THANK YOU.

Tuesday, September 29, 2009

The LDB appeals to all the readers to reach out their helping hands to those who are victims of this typhoon Ondoy. We oursleves are very poor Altar Servers and our share to help for the victims is our prayer. We offer prayers for all the souls of those who died from the flood and healing and recovery for the survivors.

We also appeal to everyone to please take care of our mother nature. God bless us all.

Friday, September 18, 2009

ACT OF REPARATION

Ika-12 ng Septyembre, araw ng Sabado at kapistahan ng Banal na Pangalan ng Mahal na Birhen Maria ay nagkaroon ng isang mahalagang gawain ang LDB. Ang gawaing ito ay ang pagkakaroon ng Alay-lakad kasama ang Mahal na Birheng Maria (Mother of the Divine Providence, ang pangalan ng Mahal na Birhen bilang patrona ng Barnabite), ang pangalawang bahagi ay ang pagsamba sa Banal na sakramento at pagdarasal ng Banal na Gawaing panggabi na kasama ng mga Bridgitine sisters sa kanilang Kombento.





Maagang dumating ang mga Lingkod sa kanilang quarter upang maghanda sa gawain kinahapuhanan at upang magahanda ng kanilang tanghalian. Magkahalo ang nadarama ng bawat isa, dahil malakas ang ulan ngunit naroon pa rin ang hangaring ipagpatuloy ang gawain kahit anu pa man ang maging takbo ng panahon. Malakas nga talaga ang ulan, ngunit nakarating ang karamihan. May apat lamang ang hindi nakarating, dahil dalawa sa kanila ay may karamdaman, ang isa ay nagbabantay sa kanyang kapatid sa hospital, ang isa ay sadyang hindi pinayagan ng kanyang mga magulang dahil sa matinding ulan. Laking tuwa ng lahat ng tumigil ang ulan sa ika-12 ng tanghali. kaya matapos ang tanghalian ay nagsipaghanda na ang lahat sa pag-uumpisa ng gawain.



Ika-1 ng hapon ng mag-umpisang maglakad ang mga Lingkod na nagdarasal ng banal na Rosaryo, sa unahan ng hanay ay ang larawan ng mahal na Birhen. Hindi alintana ang mapagmatyag na mga mata ng mga taong nadadaanan ng mga bata. Ipinahayag ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng taos pusong pagdarasal ng Santo Rosaryo. Matapos ang Banal na Rosaryo ay ang Chaplet ng Mabathalang Awa. Nang marating ang kombento ng mga madre ay ika-1:40 lamang ng hapon, kaya naman nag-karoon ng mahigit isang oras-na pagsamba ang mga LDB sa Banal na Sakramento bago inumpisahan ang sama-samang pagdarasal ng Chaplet of the Divine Mercy na kasama ang mga madre. Matapos ang pagdarasal ng mga madre ay nagkaroon ng muling pagdarasal ng chaplet ngunit sa pagkakataong ito ay paawit. Kagaya ng mga madre ang pagdarasal ng Chaplet ay nakaluhod at nakadipa ang mga kamay. Mga sakripisyo na inialay ng LDB alang-alang sa mga sakrilihiyo na ginawa ng kahit na sinu man sa Banal na Pagdiriwang ng Eukaristiya. Gayon din inialay ng mga Lingkod alang-alang sa mga kaparian, mga Obispo at sa Banal na Papa. Matapos ang maiksing pahinga sa magandang halamanan ng mga madre ay bumalik na muli ang mga lingkod sa Kapilya upang makiisa sa pagdarasal ng Liturgy of the Hours, Vespers.
Nagpapasalamat kami sa mga sisters, kay Mo. Thomas, Mo. Cecelia at sa lahat ng mga sisters sa taos puso nilang pagtanggap sa amin. Salamat din sa merienda po. Sa muli hinihiling namin ang lahat ng mga mambabasa na isama sa inyong mga panalangin ang mga kabataang naglilingkod sa Banal na Misa.
Salamat po.

Tuesday, September 8, 2009

ACT OF REPARATION

the picture featured here is taken from the FMM Chapel Tagaytay City


This coming Saturday the LDB will have a half day vigil-adoration of the Blessed Sacrament at the convent of the Bridgetine Sisters at Mag-asawang Ilat, Tagaytay City. The purpose of this activity is to offer reparations for all the sacriligiou action being commited in the Liturgy of the Holy Eucharist. may request everyone to pray also for the same intention. Thank you!

Wednesday, August 12, 2009

NALALAPIT NA PAGTALAGA (PANGKAT IKA-3)


Anim mula sa sampung nagnanais maging Lingkod sa ika-3 pangkat ay handa na sa kanilang pasulit. Nakatakda ang kanilang pasulit sa darating na Sabado at sa susunod pa na mga Sabado ay ang kanilang pagsasagawa sa lahat ng mga kilos at galaw sa paglilingkod sa Banal na Misa. Ipanalangin po natin na nawa ay maging matagumpay ang mga gawain na ito at na nawa ay makakarating silang lahat sa araw ng pagtatalaga at magpatuloy sa kanilang paglilingkod.

Ngayon po kami ay nanganga-ilangan na naman ng donors para sa ipapatahi na mga sotana ng mga magiging bagong lingkod ng dambana. Sana po kayo na ang isa sa mga totolong. Sa mga taga- Tagaytay po ay maari kayong magsadya sa Barnabite compound at hanapin ang tagapamahala ng LDB na si Br. Joseph o kaya ang Rector na si Fr. Michael or ang superior na si Fr. Joselito. Sa mga nakakakilala kay Tita Rose ay maari ninyo siyang puntahan sa kanilang tahanan malapit sa baranggay hall. Sa mga iba pa na nais tumulong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng mga impormasyong pang-komunikasyon sa itaas nitong blog.

Salamat po!

Sunday, July 19, 2009

MGA PINUNONG LINGKOD

Ika-18 ng Hulyo ay naganap ang pagpili ng mga Punong Lingkod ng LDB. Ginanap sa kanilang Quarter. Ang mga nasa ibaba ay ang mga napili at nahirang na mga Lingkod o Officers. Lingkod pa rin ang kanilang tawag dahil sa konsepto ng paglilingkod hindi bilang mataas na posesyon.
Felipe or JR- bilang Pinakapunong Lingkod

Lawrence - bilang ikalawang Punong Lingkod

Ruel- bilang Lingkod na Kalihim


Marco- bilang Lingkod na Ingat yaman at kagamitan I
Ang ingat yaman na pinag-uusapan ay hindi ukol sa pera lamang kundi pati na rin sa iba pang kagamitan. Sila din ang naatasan sa pagpaplano sa mga fund raising kung meron. kaya nga dalawa ang pinili na naatasan sa ibat-ibang gawain tulad ng Vestments Custudian yan si Marco ang isa ay sa iba pang kagamitan.



Junjun or Artemeo- bilng Lingkod na Ingat Yaman at kagamitan II





Stephen - bilang Lingkod ng Edukasyon
Sya ang namamahala sa pagtuturo sa mga baguhan at kung may mga bagong dasal na kailangan matutuhan ng lahat. Namamahala rin sa mga aklat at iba pang kagamitan na magagamit sa pag-aaral.




Sunday, July 12, 2009

HAPPY BIRTHDAY JUNJUN



Ang Lingkod ng dambana ng Barbabite ay taos pusong bumabati sa'yo Jun, ng isang maligayang kaarawan. Naway pagpalin ka ng Puong Maykapal. Ipagpatuloy mo ang iyong pagiging masipag sa gawain ng mga Lingkod. We are very proud of you Jun. God bless!

Sunday, June 28, 2009

PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN MULA SA INFLUENZA A(H1N1)


PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN MULA SA INFLUENZA A(H1N1)

Mabaging Dios, kami na iyong mga Lingkod ay nagsusumamo sa Iyo, na kami’y ay iyong iligtas sa kahit anu mang kapahamakan lalo na sa aming mga kaluluwa. Wala po kaming ibang maaring lapitan kundi ikaw lamang, aming Ama, kaya naman kami ay humihiling na inyo kaming iligtas mula sa panganib ng Influenza A(H1N1). Ang kalusugan ng aming katawan ay s’ya naming inaasam sa mundong ito, ngunit higit naming inaasam ang kalusugan ng aming mga kaluluwa. Kaya naman ay kung marapatin N’yo po kami ay iligtas mula sa Influenzang pang-spiritual at pisikal. Kalingain N’yo po aming Dios ang lahat ng biktima sa sakit na ito. Tulungan N’yo po ang mga pamilya, mga doktor at lahat ng mga nangangalaga sa mga pasyente. Tulungan nyo po ang lahat ng mga naghahanap ng lunas sa karamdamang ito. Hinihiling namin ito sa Pangalan ni Hesus na aming Panginoon, ang nag-iisang doktor ng aming buhay. Amen.

Sunday, June 21, 2009

Ang Mga Lingkod sa Kasalukuyan (The Servers at Present)

Sakasalukuyan ang mga Lingkod ay balik na naman sa kanilang pag-aaral. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari dalawa sa kanila ang hindi na nagpatuloy sa pag-aaral sa High School dahil sa kulang ng pantustos. Hindi nila makuha ang kanilang mga report cards. kayat kami ay nanalangin na mayroong mag-sponsor sa kanilang pag-aaral hindi naman gasinung kalakihan dahil sa public school sila pumapasok. Ang dalawa nga lang sa ngayon ayb pansamantalang nag-aaral sa isang special education class na pinangungunahan ng mga SVD dito sa Tagaytay. You may conmtact us to this email: lingkodbarnabiteyahoo.com.ph or text us at 09081123892 bago isulat ang inyong mensahe please text LDB maari rin po kayong magpadala ng inyong mga Prayer request sa number na ito, ngunit hindi po namin maipangako na masagot through text ang inyong mga prayer request. Segurado naman na ang mga Lingkod ay magdadasal para sa inyong kahilingan. Etext ang sumusunod LDB/Paryer request: . Maraming salamat po
Makikita sa larawan ang 12 Lingkod na naitalaga na sa likuran mula sa kaliwa sina: Lawrence, Marco, Jay-R, Junjun, Carlo and Joel; sa harap na nakatayo mula sa kaliwa sina: Ivan, Allen, Stephen, Roderick, Efren and Ruel ( isa sa mga invested servers ay absent si Jefrey). Ang mga Observers or aspirants nakaupo mula sa kaliwa: Joven, Angelo, Jansen, Reymark at Gerard, marami pang absent sa time na ito sina Kenneth, Aldin, Jomar, Howard at francis.

Sunday, June 7, 2009

LDB Recollection at FICC Convent

Ang mga Lingkod ng Dambana ng Barnabite (LDB) ay nagdaos ng kanilang Recollection kasama ang mga Lingkod ng Dambana ng Banaybanay Amadeo na pinangungunahan ng mga FICC sisters. Kasama rin ang iilan sa kanilang mga in-house youth. Lubos ang aming pasasalamat sa mga FICC Sisters sa kanilang maligod na pagtanggap sa amin, lalo na sa kanilang superior na si Sr. Mariza. Malaking tulong ang kanilang iniabot sa amin lalo na sa transportasyon at venue. Sa Guest Room ng FICC bago mag-umpisa ang Misa



Bibong Lingkod si Jay-R



Ang Krus ni Jansen



Ang Chapel ng FICC, pagdiriwang ng Banal na Misa



Ama namin sumasalangit ka



Pakikinabang



The Holy Rosary... Ave Maria gracia plena...



taimtim na panalangin ng mga lingkod



Bakit nga ba tayo naglilingkod?

at the sala of FICC

Hahahahahahha ang saya namin tol...

observer (aspirant)...brother joe...marco

sa main door to ng FICC

Tinitignan ni Kuya felipe ang kanyang paa... posing para picture...

May medyo malungkot na mukha hindi naku-isip ng pose

Si Kuya Roderick tinakpan lahat ng kasama

Sinong pangit taas kamay!.... Ah nagtaasan lahat... joke lang yan ha huwag dibdibin...

sa sala parin



kuya Lawrence

aray..;. ang ilong ko...!

kuya efren and Br. Joseph

Exposition ng Blessed Sacrament

O salutaris Ostea....

Satained glass window at the main altar of thge FICC chapel


remove your cap

w/ sister

The servers with the sisters and the girls. Sister mariza is in white habit

At the foot of the stairway where Mama mary is enshrined

maulan nga... pero di bale na nag picture taking pa rin kami...



The car of the FICC was in service for us. Dalawang cr yon ha... Thanks alaga sa mga sisters

One of the girls looking at us while we leave their place


Looking through the window

We're going home bye.... Ayan talagang pahabol pa ng pag bye

Sa sasakyan enjoy ang candy na bigay ng mga sisters

kuya Joel
Kuya Alen

Maulan


Kuya Roderick
Muli po maraming salamat FICC Sisters

Ave Maria (Cello)