
Ang blog na ito ay para sa mga Lingkod ng Dambana ng Barnabite Tagaytay. Ginawa upang sa halip na sa ibang site ang mga Lingkod magbukas ay may mabubuksan silang site na wasto at para sa kanila.Sana makatulong din ang blog na ito sa iba. Salamat po!
Pages
Traditional Catholic Latin Mass
To learn about the Traditional Latin Mass go to www.sanctamissa.org this site will be very helpful to all (priest, seminarians, servers, sacristans and the lay)
PRAYER REQUESTS
For some reasons this blog will be transformed into a Traditional Latin Mass Blog... Articles and news will soon be posted. Those who would like to know the reasons for the change may email fatimadevotion@yahoo.com, please give a little introduction of yourself. Tahnk you.
In as much as I would like you to update about the LDB many reasons hindered me to do so. Thank you and please continue to pray.
In as much as I would like you to update about the LDB many reasons hindered me to do so. Thank you and please continue to pray.
Sunday, November 15, 2009
INVESTATURE OCTOBER 2009
Ang pangatlong pangkat ay naitalaga nuong ika-13 on Oktobre. Ilan sa mga larawan sa ibaba ay kuha sa araw ng investature. We assure the readers that when the moderator will not be busy anymore a continued update will be available for this blog. Thank you for your undesratnding. continue to pray for us.

Thursday, November 5, 2009
Friday, October 2, 2009
DONATE A CLOTH (or other goods)

Inspired by one of the mothers of the LDB, we are now going to start a donation drive (clothing and other goods) for the victims of typhoon Ondoy. since the LDB has no means of transporting the cloths that we will be able to collect, we are still thinking of asking some people to help us with this problem. As of this time of posting there are already several individual who promised to send some clothing.
WE WILL ACCEPT YOUR DONATIONS TOMORROW SATURDAY (OCTOBER 3, ONWARDS) BRING YOUR DONATIONS AT THE FATIMA CHAPEL OF THE BARNABITE FATHERS AT PUROK 163 (FORMER SMSK), SAN JOSE, TAGAYTAY CITY. YOU AMY ALSO CONTACT US THROUGH THE NUMBER AND EMAIL ADDRESS THAT APPEAR ABOVE THIS POST. THANK YOU.
Tuesday, September 29, 2009
The LDB appeals to all the readers to reach out their helping hands to those who are victims of this typhoon Ondoy. We oursleves are very poor Altar Servers and our share to help for the victims is our prayer. We offer prayers for all the souls of those who died from the flood and healing and recovery for the survivors.
We also appeal to everyone to please take care of our mother nature. God bless us all.
We also appeal to everyone to please take care of our mother nature. God bless us all.
Friday, September 18, 2009
ACT OF REPARATION


Maagang dumating ang mga Lingkod sa kanilang quarter upang maghanda sa gawain kinahapuhanan at upang magahanda ng kanilang tanghalian. Magkahalo ang nadarama ng bawat isa, dahil malakas ang ulan ngunit naroon pa rin ang hangaring ipagpatuloy ang gawain kahit anu pa man ang maging takbo ng panahon. Malakas nga talaga ang ulan, ngunit nakarating ang karamihan. May apat lamang ang hindi nakarating, dahil dalawa sa kanila ay may karamdaman, ang isa ay nagbabantay sa kanyang kapatid sa hospital, ang isa ay sadyang hindi pinayagan ng kanyang mga magulang dahil sa matinding ulan. Laking tuwa ng lahat ng tumigil ang ulan sa ika-12 ng tanghali. kaya matapos ang tanghalian ay nagsipaghanda na ang lahat sa pag-uumpisa ng gawain.

Ika-1 ng hapon ng mag-umpisang maglakad ang mga Lingkod na nagdarasal ng banal na Rosaryo, sa unahan ng hanay ay ang larawan ng mahal na Birhen. Hindi alintana ang mapagmatyag na mga mata ng mga taong nadadaanan ng mga bata. Ipinahayag ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng taos pusong pagdarasal ng Santo Rosaryo. Matapos ang Banal na Rosaryo ay ang Chaplet ng Mabathalang Awa. Nang marating ang kombento ng mga madre ay ika-1:40 lamang ng hapon, kaya naman nag-karoon ng mahigit isang oras-na pagsamba ang mga LDB sa Banal na Sakramento bago inumpisahan ang sama-samang pagdarasal ng Chaplet of the Divine Mercy na kasama ang mga madre. Matapos ang pagdarasal ng mga madre ay nagkaroon ng muling pagdarasal ng chaplet ngunit sa pagkakataong ito ay paawit. Kagaya ng mga madre ang pagdarasal ng Chaplet ay nakaluhod at nakadipa ang mga kamay. Mga sakripisyo na inialay ng LDB alang-alang sa mga sakrilihiyo na ginawa ng kahit na sinu man sa Banal na Pagdiriwang ng Eukaristiya. Gayon din inialay ng mga Lingkod alang-alang sa mga kaparian, mga Obispo at sa Banal na Papa. Matapos ang maiksing pahinga sa magandang halamanan ng mga madre ay bumalik na muli ang mga lingkod sa Kapilya upang makiisa sa pagdarasal ng Liturgy of the Hours, Vespers.
Nagpapasalamat kami sa mga sisters, kay Mo. Thomas, Mo. Cecelia at sa lahat ng mga sisters sa taos puso nilang pagtanggap sa amin. Salamat din sa merienda po. Sa muli hinihiling namin ang lahat ng mga mambabasa na isama sa inyong mga panalangin ang mga kabataang naglilingkod sa Banal na Misa.
Salamat po.
Tuesday, September 8, 2009
ACT OF REPARATION
This coming Saturday the LDB will have a half day vigil-adoration of the Blessed Sacrament at the convent of the Bridgetine Sisters at Mag-asawang Ilat, Tagaytay City. The purpose of this activity is to offer reparations for all the sacriligiou action being commited in the Liturgy of the Holy Eucharist. may request everyone to pray also for the same intention. Thank you!
Wednesday, August 12, 2009
NALALAPIT NA PAGTALAGA (PANGKAT IKA-3)
Anim mula sa sampung nagnanais maging Lingkod sa ika-3 pangkat ay handa na sa kanilang pasulit. Nakatakda ang kanilang pasulit sa darating na Sabado at sa susunod pa na mga Sabado ay ang kanilang pagsasagawa sa lahat ng mga kilos at galaw sa paglilingkod sa Banal na Misa. Ipanalangin po natin na nawa ay maging matagumpay ang mga gawain na ito at na nawa ay makakarating silang lahat sa araw ng pagtatalaga at magpatuloy sa kanilang paglilingkod.
Ngayon po kami ay nanganga-ilangan na naman ng donors para sa ipapatahi na mga sotana ng mga magiging bagong lingkod ng dambana. Sana po kayo na ang isa sa mga totolong. Sa mga taga- Tagaytay po ay maari kayong magsadya sa Barnabite compound at hanapin ang tagapamahala ng LDB na si Br. Joseph o kaya ang Rector na si Fr. Michael or ang superior na si Fr. Joselito. Sa mga nakakakilala kay Tita Rose ay maari ninyo siyang puntahan sa kanilang tahanan malapit sa baranggay hall. Sa mga iba pa na nais tumulong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng mga impormasyong pang-komunikasyon sa itaas nitong blog.
Salamat po!
Ngayon po kami ay nanganga-ilangan na naman ng donors para sa ipapatahi na mga sotana ng mga magiging bagong lingkod ng dambana. Sana po kayo na ang isa sa mga totolong. Sa mga taga- Tagaytay po ay maari kayong magsadya sa Barnabite compound at hanapin ang tagapamahala ng LDB na si Br. Joseph o kaya ang Rector na si Fr. Michael or ang superior na si Fr. Joselito. Sa mga nakakakilala kay Tita Rose ay maari ninyo siyang puntahan sa kanilang tahanan malapit sa baranggay hall. Sa mga iba pa na nais tumulong makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng mga impormasyong pang-komunikasyon sa itaas nitong blog.
Salamat po!
Sunday, July 19, 2009
MGA PINUNONG LINGKOD
Ika-18 ng Hulyo ay naganap ang pagpili ng mga Punong Lingkod ng LDB. Ginanap sa kanilang Quarter. Ang mga nasa ibaba ay ang mga napili at nahirang na mga Lingkod o Officers. Lingkod pa rin ang kanilang tawag dahil sa konsepto ng paglilingkod hindi bilang mataas na posesyon.
Ang ingat yaman na pinag-uusapan ay hindi ukol sa pera lamang kundi pati na rin sa iba pang kagamitan. Sila din ang naatasan sa pagpaplano sa mga fund raising kung meron. kaya nga dalawa ang pinili na naatasan sa ibat-ibang gawain tulad ng Vestments Custudian yan si Marco ang isa ay sa iba pang kagamitan.
Sunday, July 12, 2009
Sunday, June 28, 2009
PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN MULA SA INFLUENZA A(H1N1)

PANALANGIN PARA SA KALIGTASAN MULA SA INFLUENZA A(H1N1)
Mabaging Dios, kami na iyong mga Lingkod ay nagsusumamo sa Iyo, na kami’y ay iyong iligtas sa kahit anu mang kapahamakan lalo na sa aming mga kaluluwa. Wala po kaming ibang maaring lapitan kundi ikaw lamang, aming Ama, kaya naman kami ay humihiling na inyo kaming iligtas mula sa panganib ng Influenza A(H1N1). Ang kalusugan ng aming katawan ay s’ya naming inaasam sa mundong ito, ngunit higit naming inaasam ang kalusugan ng aming mga kaluluwa. Kaya naman ay kung marapatin N’yo po kami ay iligtas mula sa Influenzang pang-spiritual at pisikal. Kalingain N’yo po aming Dios ang lahat ng biktima sa sakit na ito. Tulungan N’yo po ang mga pamilya, mga doktor at lahat ng mga nangangalaga sa mga pasyente. Tulungan nyo po ang lahat ng mga naghahanap ng lunas sa karamdamang ito. Hinihiling namin ito sa Pangalan ni Hesus na aming Panginoon, ang nag-iisang doktor ng aming buhay. Amen.
Sunday, June 21, 2009
Ang Mga Lingkod sa Kasalukuyan (The Servers at Present)
Sunday, June 7, 2009
LDB Recollection at FICC Convent
Ang mga Lingkod ng Dambana ng Barnabite (LDB) ay nagdaos ng kanilang Recollection kasama ang mga Lingkod ng Dambana ng Banaybanay Amadeo na pinangungunahan ng mga FICC sisters. Kasama rin ang iilan sa kanilang mga in-house youth. Lubos ang aming pasasalamat sa mga FICC Sisters sa kanilang maligod na pagtanggap sa amin, lalo na sa kanilang superior na si Sr. Mariza. Malaking tulong ang kanilang iniabot sa amin lalo na sa transportasyon at venue.
Sa Guest Room ng FICC bago mag-umpisa ang Misa