Isa sa mga gawaing pang-spiritual na ginaganap ng mga Barnabite altar Servers ay ang pagbisita sa mga kapilya ng mga religious houses. Sa bawat pagbisita ang mga servers (lIngkod ng Dambana) ay nagdarasal ng Chaplet of the Divine Mercy. Inaawit ito at ginagawa ng nakadipa ang mga kamay. Isang napakagandang debosyon sa Mabathalang Awa ng panginoon.
Sa aming pagbisita sa FMM chapel ay nagkaroon din kami ng ilang sandali na pag samba sa Banal na Sakramento. At pagkatapos ay nagkaroon kami ng Stasyon ng Krus at Rosaryo patungong Libingan. (Please see related post).