
Si San Antonio Maria Zaccaria ay isinilang sa Milan Italia nuong taong 1502. Ang kanayng ina na si Antonieta Piscaroli ay naging balo sa kanyang asawa na si Lazaro Zaccaria nu’ng syay 18 taong gulang pa lamang at si Antonio ay mga dalawang taong gulang pa lamang. Hindi na nag-asawang mul si Antonieta sa halip ay pinangalagaan nila ang kanilang hanapbuhay at kanyang inilaan ang kanyang sarili sa pagpapalaki kay Antonio sa maka-Kristiyanong pamumuhay. Natatanging tagapagmana si Antonio ngunit sa taong 18 ay iwinaksi nya ang kanyang mana at gumawa ng testamento na kahit nag-asawa at magkaroon sya ng pamilya ay hindi na nya maaring bawiin ang mana at sa kahit anung kadahilananNag-aral sya ng Medisina sa Universidad ng Padua. Nang sya ay nagtapos biulang doktor ay umuwi sa kanilang bayan sa Milan at tumulong sa mga taong naging biktima ng peste at gutom.

Ginamot ang mga may sakit ng walang bayad. Hindi sya nakuntinto sa panggagamot sa katawan nais ny’ng gamutin ang kaluluwa at nang magkaroon ng pagbabago sa simbahan at sa mga naglilingkod at muling buhayin ang alab na makaKristyano sa bawat isa, kaya’rt naging pari sya. Sa tulong ni Fra Batista da Crema isang paring Dominicano ang kanyang Espirituwal Direktor ay naitatag niya ang kongragasyon ng Clerics regular of St. Paul na kilala sa pangalang Barnabite nuong 1530. Nagtatag din sya ng Angelic Sisters of St. Paul at gayon din ang Lay of St. Paul.

Sya ay bumalik sa Ama nung July 5, 1539, na sya namang kapistahan nang siya ay naging Santo.Mga Lingkod ito ang Ama ng Barnabite si SAN ANTONIO MARIA ZACCARIA.
No comments:
Post a Comment