PANALANGIN BAGO ANG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA
Amang nasa langit, ang iyong Anak na si Hesu-Kristo na aming Panginoon ay nagpamalas sa amin ng kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga nangangailangan.
Hinihiling ko po aking Ama na ako’y iyong tulungan sa aking paglilingkod sa Iyo at ng Iyong Bayan.
Buksan N’yo po ang aking bibig upang magpuri sa Iyo. Buksan N’yo po ang aking tenga upang makinig sa Iyong mga salita. Buksan N’yo po ang aking kamay upang maisakatuparan ko ng buong husay ang aking paglilingkod sa iyong dambana.
Alisin N’yo po sa aking puso’t isipan ang kahit anu mang nakakagambalang isipin.
Tulungan N’yo po akong makapaglingkod ng taimtim sa Banal mong Dambana, ng sa gayon ako’y makapagbigay galang, pagpupugay, pagsamba at papuri sa Iyo, ngayon at magpakailan man. Amen.
PANALANGIN PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA
Panginoong Hesus, maraming salamat po sa pagkakataong ipinagkaloob N’yo sa akin upang ako’y makapaglingkod sa Banal na Misa. Ang aking puso ay puno ng kagalakan at kapayapaan, dahil sa biyayang ito. nawa’y lalo kong mapagbuti ang aking paglilingkod sa susunod na pagkakataon. Nawa’y ang Banal na Espiritu ay maging gabay kong lagi, upang ako ay maging karapatdapat sa iyong pag-ibig sa pamamagitan ng grasya ng Amang nasa langit. Amen.
3 comments:
Bro ge-post ko ang article na ito:
http://catholicfaithdefender.wordpress.com/2009/02/17/panalangin-bago-at-pagkatapos-ng-pagdiriwang-ng-banal-na-misa/
Bro: G-one
Bro,
Pls read this:
http://catholicfaithdefender.wordpress.com/2009/01/22/sino-ba-ang-babae-sa-revelation-12/
Regards,
G-one
Bro,
pls read also this...
http://catholicfaithdefender.wordpress.com/2009/03/03/w-o-r-s-h-i-p/
Post a Comment