Maari kayong sumulat kay Tita Rose
Purok 160, San Jose, 4120 Tagaytay City, Philippines.
Si Tita Rose po ay isa sa mga nagiging dahilan na nabuo ang Lingkod ng Dambana ng Barnabite (LDB) maituturing na kasamang tagapagtatag. Naging malapit a kaibigan at mission partner ni Br. Joseph. Ilang buwan din silang magkasama bawat Sabado upang bisitahin ang mga Katolikong nalilito sa pananampalataya bungsod ng pang-aakit ng ibang sekta. Si tita Rose ang nagsilbing researcher at tagapagmatyag kung sinu man ang pweding bisitahin.
Maliban sa Mission na nabanggit sa itaas ay napag-isipan ni Br. Joseph na bumuo ng mga grupo ng kabataan na maaring kasama sa Mission (house to house). kaya naman inipon ni Tita Rose ang ilan sa mga kakilalang kabataan. Ngunit buhat ng kanilang pag-aaral ay hindi nila makuhang dumalo ng regular sa mga pag-aaral. Kaya naman ilang buwan pa ay nabuwag ang grupo.
Matapos ang ilang Linggo ay nakita ni br. joseph ang panganga-ilangan ng Lingkod ng Dambana sa San Jose kung saan duon sya nag-aapostolate. Una n'yang nilapitan si Felipe. Dahil nga si Tita Rose ay mission partner na ni Br. Joseph ay nilapitan nya'ng muli s'ya. Napag-usapan nila na maganda ang gagawing proyekto. Naging mganda naman ang kinahihinatnan. Labing limang kabataang lalaki ang tumugon kung saan labing isa lamang ang pumasa sa mahigpit na pagsasanay. nakaklungkot pa nga dahil isa sa labing-isa ay umuwi ng probensya at hindi natuloy sa invistature.
Ngayon kailangan ng malaking halaga para sa pagpapagawa ng mga sotana ng mga kabataan. Napagkjasunduan ni Tita Rose ni Br. Joseph na hangga't maari ay hihingi lamang ng tulong sa mga kaibigan ni tita Rose. Gayon nga ang nangyari. Masidhi ang paglilingkod ni Tita Rose sa gawaing ito, kaya naman napag-isipan ni Br. joseph na tawagion sya'ng project coordinator.
Dumating ang Kapaskuhan. Muli si Tita Rose ang gumugol ng malaking panahon para sa caroling ng mga Lingkod. Mula sa aming pinagkarolingan ay nakagawa ng matibay na kabinet na nagkakahalaga ng mahigit anim na libo. nakapagparty sa pamilya ng mga Lingkod, nakapamili ng mga sariling gamit.
Sa ngayon si tita Rose pa rin ang naghahanap ng kailanganin sa Invistature nina Stephen Brandon, Ivan at Allen Jean.
Tita Rose mari pong salamat!
No comments:
Post a Comment