Traditional Catholic Latin Mass

To learn about the Traditional Latin Mass go to www.sanctamissa.org this site will be very helpful to all (priest, seminarians, servers, sacristans and the lay)

PRAYER REQUESTS

For some reasons this blog will be transformed into a Traditional Latin Mass Blog... Articles and news will soon be posted. Those who would like to know the reasons for the change may email fatimadevotion@yahoo.com, please give a little introduction of yourself. Tahnk you.

In as much as I would like you to update about the LDB many reasons hindered me to do so. Thank you and please continue to pray.

Saturday, February 7, 2009

GIFT GIVING FOR MOM

KAHIT SA KUNTING NAKAYANAN, ANG MGA lINGKOD NG dAMBANA AY NAGBIGAY NG REGALO PARA SA KANILANG MGA MAGULANG. iSA NA RIN ITONG PAGKAKATAON UPANG MAIPAKITA NILA ANG KANILANG PAGMAMAHAL SA KANILANG MGA iNA. nAPAKASAYANG PAGMASDAN HABANG ANG BAWAT ISA AY YUMAYAKAP, HUMAHALIK AT NAGPAPASALAMAT SA KANILANG MGA INA. NAWA'Y PATULOY PA ANG KANILANG PAGMAMAHAL AT PAG-IBIG.








Friday, February 6, 2009

PALARO SA CHRISTMAS PARTY NG MGA LINGKOD

nAGKAROON NG IBA'T IBANG PALARO PARA SA MGA MAGULANG AT KAPATID GAYON DIN AY MAY ISANG PALARO NA PARA SA MGA SERVERS. MARAMING SALAMAT SA LAHAT!





CHRISTMAS PARTY GROUP PICTURES

Mga sandaling magkakasama sa panahon ng Xmas party. Masayang masaya. Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga benefactors para sa gawaing ito. salamat po.













Mga larawang kuha nu'ng xmas party. ito yong ipinakilala ng bawat Lingkod ang kanilang pamilya.

MARCO
BR. JOSEPH
LAWRENCE
RODERICK
EFREN
JEFREY
JOEL
JUNE
CARLO
JR
RUEL
Si Fr. Jecker ang tanging pari nanakasama namin sa aming Christmas Party, dahil maraming gawain ang ibang pari sa araw na ito. Siya po ang nagbigay ng welcome talk para sa lahat ng dumalo. Salamat po padre.

Philippine Male Chorale


Napakapalad ng mga Barnabite Altar Servers, dahil lalong naging masaya ang Christmas Party dahil maliban sa dinaluhan ito ng mga magulang at kapatid ay dumalo rin ang "Philippine Male Chorale," Isa sa kanilang kasapi ay kakilala at kaibigan ni Tita Rose ang aming Activity Coordinator at taga suporta. Napakabuti at napakabait ng mga kasapi ng Philippine Male Chorale dahil kahit na hindi nila skedyol na pumunta sa aming party ay sa isang paanyaya lamang ay kanilang pinaunlakan ang aming paanyaya sa pamamagitan ni Tita Rose. Kanya naman nagkaroon ng makatindig balahibo na pag-awit ang mga kasapi ng Philippine Male Chorale.

SA INYO PONG LAHAT MARAMING SALAMAT KAMI AY TUNAY NA NASIYAHAN SA INYONG PAGDALO, NAWA'Y HINDI IYON ANG UNA AT HULI NATING PAGSASAMA. NAGING INSPIRASYON PO KAYO NG AMING MGA LINGKOD NG DAMBANA. TUNAY NA NAPAKALIGAYA NG LAHAT.

SALAMAT PO!

Thursday, February 5, 2009

PANALANGIN BAGO AT PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

SAN TARCISIO (pATRON NG MGA lINGKOD NG dAMBANA)
PANALANGIN BAGO ANG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Amang nasa langit, ang iyong Anak na si Hesu-Kristo na aming Panginoon ay nagpamalas sa amin ng kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga nangangailangan.
Hinihiling ko po aking Ama na ako’y iyong tulungan sa aking paglilingkod sa Iyo at ng Iyong Bayan.
Buksan N’yo po ang aking bibig upang magpuri sa Iyo. Buksan N’yo po ang aking tenga upang makinig sa Iyong mga salita. Buksan N’yo po ang aking kamay upang maisakatuparan ko ng buong husay ang aking paglilingkod sa iyong dambana.
Alisin N’yo po sa aking puso’t isipan ang kahit anu mang nakakagambalang isipin.
Tulungan N’yo po akong makapaglingkod ng taimtim sa Banal mong Dambana, ng sa gayon ako’y makapagbigay galang, pagpupugay, pagsamba at papuri sa Iyo, ngayon at magpakailan man. Amen.

PANALANGIN PAGKATAPOS NG PAGDIRIWANG NG BANAL NA MISA

Panginoong Hesus, maraming salamat po sa pagkakataong ipinagkaloob N’yo sa akin upang ako’y makapaglingkod sa Banal na Misa. Ang aking puso ay puno ng kagalakan at kapayapaan, dahil sa biyayang ito. nawa’y lalo kong mapagbuti ang aking paglilingkod sa susunod na pagkakataon. Nawa’y ang Banal na Espiritu ay maging gabay kong lagi, upang ako ay maging karapatdapat sa iyong pag-ibig sa pamamagitan ng grasya ng Amang nasa langit. Amen.

Ave Maria (Cello)