Traditional Catholic Latin Mass

To learn about the Traditional Latin Mass go to www.sanctamissa.org this site will be very helpful to all (priest, seminarians, servers, sacristans and the lay)

PRAYER REQUESTS

For some reasons this blog will be transformed into a Traditional Latin Mass Blog... Articles and news will soon be posted. Those who would like to know the reasons for the change may email fatimadevotion@yahoo.com, please give a little introduction of yourself. Tahnk you.

In as much as I would like you to update about the LDB many reasons hindered me to do so. Thank you and please continue to pray.

Friday, September 18, 2009

ACT OF REPARATION

Ika-12 ng Septyembre, araw ng Sabado at kapistahan ng Banal na Pangalan ng Mahal na Birhen Maria ay nagkaroon ng isang mahalagang gawain ang LDB. Ang gawaing ito ay ang pagkakaroon ng Alay-lakad kasama ang Mahal na Birheng Maria (Mother of the Divine Providence, ang pangalan ng Mahal na Birhen bilang patrona ng Barnabite), ang pangalawang bahagi ay ang pagsamba sa Banal na sakramento at pagdarasal ng Banal na Gawaing panggabi na kasama ng mga Bridgitine sisters sa kanilang Kombento.





Maagang dumating ang mga Lingkod sa kanilang quarter upang maghanda sa gawain kinahapuhanan at upang magahanda ng kanilang tanghalian. Magkahalo ang nadarama ng bawat isa, dahil malakas ang ulan ngunit naroon pa rin ang hangaring ipagpatuloy ang gawain kahit anu pa man ang maging takbo ng panahon. Malakas nga talaga ang ulan, ngunit nakarating ang karamihan. May apat lamang ang hindi nakarating, dahil dalawa sa kanila ay may karamdaman, ang isa ay nagbabantay sa kanyang kapatid sa hospital, ang isa ay sadyang hindi pinayagan ng kanyang mga magulang dahil sa matinding ulan. Laking tuwa ng lahat ng tumigil ang ulan sa ika-12 ng tanghali. kaya matapos ang tanghalian ay nagsipaghanda na ang lahat sa pag-uumpisa ng gawain.



Ika-1 ng hapon ng mag-umpisang maglakad ang mga Lingkod na nagdarasal ng banal na Rosaryo, sa unahan ng hanay ay ang larawan ng mahal na Birhen. Hindi alintana ang mapagmatyag na mga mata ng mga taong nadadaanan ng mga bata. Ipinahayag ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng taos pusong pagdarasal ng Santo Rosaryo. Matapos ang Banal na Rosaryo ay ang Chaplet ng Mabathalang Awa. Nang marating ang kombento ng mga madre ay ika-1:40 lamang ng hapon, kaya naman nag-karoon ng mahigit isang oras-na pagsamba ang mga LDB sa Banal na Sakramento bago inumpisahan ang sama-samang pagdarasal ng Chaplet of the Divine Mercy na kasama ang mga madre. Matapos ang pagdarasal ng mga madre ay nagkaroon ng muling pagdarasal ng chaplet ngunit sa pagkakataong ito ay paawit. Kagaya ng mga madre ang pagdarasal ng Chaplet ay nakaluhod at nakadipa ang mga kamay. Mga sakripisyo na inialay ng LDB alang-alang sa mga sakrilihiyo na ginawa ng kahit na sinu man sa Banal na Pagdiriwang ng Eukaristiya. Gayon din inialay ng mga Lingkod alang-alang sa mga kaparian, mga Obispo at sa Banal na Papa. Matapos ang maiksing pahinga sa magandang halamanan ng mga madre ay bumalik na muli ang mga lingkod sa Kapilya upang makiisa sa pagdarasal ng Liturgy of the Hours, Vespers.
Nagpapasalamat kami sa mga sisters, kay Mo. Thomas, Mo. Cecelia at sa lahat ng mga sisters sa taos puso nilang pagtanggap sa amin. Salamat din sa merienda po. Sa muli hinihiling namin ang lahat ng mga mambabasa na isama sa inyong mga panalangin ang mga kabataang naglilingkod sa Banal na Misa.
Salamat po.

Ave Maria (Cello)