Traditional Catholic Latin Mass

To learn about the Traditional Latin Mass go to www.sanctamissa.org this site will be very helpful to all (priest, seminarians, servers, sacristans and the lay)

PRAYER REQUESTS

For some reasons this blog will be transformed into a Traditional Latin Mass Blog... Articles and news will soon be posted. Those who would like to know the reasons for the change may email fatimadevotion@yahoo.com, please give a little introduction of yourself. Tahnk you.

In as much as I would like you to update about the LDB many reasons hindered me to do so. Thank you and please continue to pray.

Saturday, March 28, 2009

HAPPY BIRTHDAY CARLO!


Happy Birthday sa iyo kapatid na Carlo. Naway pagpalain ka ng Puong Maykapal. Ikinagagalak naming ika'y naging kabahagi ng LDB (Lingkod ng dambana ng Barnabite). Ipagpatuloy mo ang iyong paglilingkod. Asahan mo na ika'y kasama sa aming mga panalangin. Happy Birthday!

Wednesday, March 25, 2009

Bisita Iglesia

Nitong mga nagdaang mga araw ng Sabado, ang mga Lingkod ng Dambana ng Barnabite ay nagkakaroon ng Bisita Iglesia sa ibat-ibang religious houses. Isa na nga nito ang sa FMM na nakpost na sa nagdaang mga araw. Wala nga lang kaming pictures sa ibang simbahan.

Ginagawa ito ng mga Lingkod bilang pagunita sa Mahal na pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus na tumubos sa ating mga kasalanan.

Pinapasalamatan namin ang mga convents na tumanggap sa amin :

  • Mother of Mercy Spiritual Center ng Merciful sisters
  • Hospitalers Sisters
  • Franciscan Missionaries of Mary (FMM)
  • Sisters of the Angels
  • St. Briget Retreat House
  • Sacred Heart Chapel ng Barnabites


Rosario Esmel-Quilao

Maari kayong sumulat kay Tita Rose
Purok 160, San Jose, 4120 Tagaytay City, Philippines. Si Tita Rose po ay isa sa mga nagiging dahilan na nabuo ang Lingkod ng Dambana ng Barnabite (LDB) maituturing na kasamang tagapagtatag. Naging malapit a kaibigan at mission partner ni Br. Joseph. Ilang buwan din silang magkasama bawat Sabado upang bisitahin ang mga Katolikong nalilito sa pananampalataya bungsod ng pang-aakit ng ibang sekta. Si tita Rose ang nagsilbing researcher at tagapagmatyag kung sinu man ang pweding bisitahin.
Maliban sa Mission na nabanggit sa itaas ay napag-isipan ni Br. Joseph na bumuo ng mga grupo ng kabataan na maaring kasama sa Mission (house to house). kaya naman inipon ni Tita Rose ang ilan sa mga kakilalang kabataan. Ngunit buhat ng kanilang pag-aaral ay hindi nila makuhang dumalo ng regular sa mga pag-aaral. Kaya naman ilang buwan pa ay nabuwag ang grupo.
Matapos ang ilang Linggo ay nakita ni br. joseph ang panganga-ilangan ng Lingkod ng Dambana sa San Jose kung saan duon sya nag-aapostolate. Una n'yang nilapitan si Felipe. Dahil nga si Tita Rose ay mission partner na ni Br. Joseph ay nilapitan nya'ng muli s'ya. Napag-usapan nila na maganda ang gagawing proyekto. Naging mganda naman ang kinahihinatnan. Labing limang kabataang lalaki ang tumugon kung saan labing isa lamang ang pumasa sa mahigpit na pagsasanay. nakaklungkot pa nga dahil isa sa labing-isa ay umuwi ng probensya at hindi natuloy sa invistature.
Ngayon kailangan ng malaking halaga para sa pagpapagawa ng mga sotana ng mga kabataan. Napagkjasunduan ni Tita Rose ni Br. Joseph na hangga't maari ay hihingi lamang ng tulong sa mga kaibigan ni tita Rose. Gayon nga ang nangyari. Masidhi ang paglilingkod ni Tita Rose sa gawaing ito, kaya naman napag-isipan ni Br. joseph na tawagion sya'ng project coordinator.
Dumating ang Kapaskuhan. Muli si Tita Rose ang gumugol ng malaking panahon para sa caroling ng mga Lingkod. Mula sa aming pinagkarolingan ay nakagawa ng matibay na kabinet na nagkakahalaga ng mahigit anim na libo. nakapagparty sa pamilya ng mga Lingkod, nakapamili ng mga sariling gamit.
Sa ngayon si tita Rose pa rin ang naghahanap ng kailanganin sa Invistature nina Stephen Brandon, Ivan at Allen Jean.
Tita Rose mari pong salamat!

Naome (Sister of Sr. Mary Ann)

Ito si Ate naome, kapatid ni Sr. Mary Ann. Ang mga lingkod ng Dambanan ng Barnabite ay labis na nalungkot sa kanyang pagpanaw at gayon din nakikiramay sa pamilya ni Sr. Mary Ann. Kasama sa panalangin ng mga Lingkod ang kaluluwa ni Ate Naome.

Bakit gayon na lamang ang aming naramdaman? Dahil nga po si Sr. mary Ann ay maituturing na rin namin na co-partner sa apostolado ng mga Lingkod. Sa katunayan nga ang tawag ng mga Lingkod sa kanya ay Ninang or god-mother.

Nagpapasalamat nga rin po kami sa malaking tulong na ipinagkaloob sa amin ng Dios sa katauhan ni Sr. mary Ann at ng kanyang mga kasamahang sisters.

Ngayon kami ay nakatanggap ng mga bagong krusipiho na panglingkod na yari sa kawayan pasalubong sa amin mula kay Sr. mary Ann galing sa Antique. Umuwi po kasi s'ya para sa libing ng kanyang kapatid na si Ate Naome. Muli kami ay akikiramay sa kanilang pamilya.

Eternal rest grant unto her oh Lord and let perpetual light shine upon her, may she rest in peace. Amen.

Tuesday, March 24, 2009

HAPPY GRADUATION (CONGRATULATIONS)


Efren and lawrence
Ngayong darating na Sabado, ika-28 ng Marso taong kasalukuyan ay magtatapos sa Mababang paaralan ang dalawang Lingkod na sina Lawrence at Efren. Si efren ay nag-aaral sa San Jose Elementary School ng San Jose Tagaytay, City. Si lawrence naman ay nag-aaral sa Maitim II Elementary School sa Maitim II, Tagaytay City. Ang dalawang Lingkod ay nagbabalak na pumasok sa Mataas na Paaralan sa Francisco Tolentino Memorial High School.


Sa gayon ding araw si Br. Joseph ay magtatapos din sa AB Theology sa Divine Word Seminary. Kasama n'yang magtapos ang kanyang kasamang si Br. Rosauro ang ang kanilang klase.

Sa inyong lahat isang taos pusong pagbati.

Ave Maria (Cello)