Traditional Catholic Latin Mass

To learn about the Traditional Latin Mass go to www.sanctamissa.org this site will be very helpful to all (priest, seminarians, servers, sacristans and the lay)

PRAYER REQUESTS

For some reasons this blog will be transformed into a Traditional Latin Mass Blog... Articles and news will soon be posted. Those who would like to know the reasons for the change may email fatimadevotion@yahoo.com, please give a little introduction of yourself. Tahnk you.

In as much as I would like you to update about the LDB many reasons hindered me to do so. Thank you and please continue to pray.

Friday, December 26, 2008

SULAT PARA SA MGA MAGULANG

Sunday, December 14, 2008
Mga Minamahal na magulang,
Pagbati!
Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pahintulot na ang inyong anak ay makapaglingkod sa Dambana ng Panginoon. Nais po sana naming ipagbigay alam sa inyo na nitong Kapaskuhan ay magkakaroon po kami ng Caroling sa mga bahay ng aming kaibigan at kakilala. Ito’y isasagawa upang ang malikum na pundo ay magamit sa kanilang mga panganga-ilangan sa paglilingkod. Ang aming Caroling ay mag-uumpisa ngayong ika-20, 1PM-5PM ng buwang kasalukuyan at inaasahang matapos sa ika-24 ng buwan at kung kinakailangan ay ipagpatuloy pa namin.
Gayon din po naman ay magkakaroon na ng pag-lilingkod sa simbang gabi. Ang mga nasa bandang Aroma ay maglilingkod sa San Jose at ang nasa SMSK ay maglilingkod sa Barnabite Chapel.
Schedule:
• December 19 (CADM visitor) ang mga altar servers ay magahahanda sa lugar ng pagdaraosan ng programa (gift giving) ang makakaatend ay inaasahang makarating ng maaga (7:00AM)
• Dec 20-24 (1:00PM-5:00PM) Caroling(kung sa kaling maypagbabago sa mga schedules ay ipagbibigay alam po namin sa inyong mga anak.
• Dec 15-23 (8:00 PM) Simbang gabi San Jose
• December 16-24 (5:00AM) Simbang gabi Barnabites
• December 25 (wala pang oras) Lahat ay magserve sa San Jose at Barnabites
Inaasahan po naming sa pamamagitan ng paglilingkod ng inyong mga anak sa Dambana ng Panginoon sila ay malayo sa masamang gawain.
Maraming salamat po nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal.
Maligayang Pasko po sa inyong lahat!
Lubos na gumagalang,
Br. Joseph Ma. Bernales
Tagapamahala ng mga Lingkod


December 22, 2008

Mga Mahal Naming Mga Magulang,

Pagbati ng pagmamahal, kapayapaan, at tuwa sa Sanggol na isinilang sa Belen!

Nagpapasalamat po kami na inyong pinaunlakan ang aming paanyaya na ang inyong mga anak ay makadalo sa aming Caroling. Ipagpaumanhin po na minsan kami ay gabinggabi na kung makauwi, lalo na sa mga nagsisilbi sa Toklong ng San Jose. Hindi po maiwasan na ang ibang bahay ay wala sa oras ng aming pagpunta kaya’t kami ay pinapabalik sa gabi. Maganda naman po ang resulta ng aming Caroling. Matutupad na rin po ang aming hangarin na makabili ng maayos at matibay na cabinet para sa kanilang mga sotana, makakabili na rin marahil ng mga gamit sa pag-aaral at iba pang mga kagamitan sa kanilang quarter dito sa Fatima Shrine.
Nais po ng mga Lingkod ng Dambana (Atar Servers) na tayo’y magkaroon ng Christmas party. Napag-usapan na gaganapin ngayong ika-28 ng Disyembre taong kasalukuyan at gaganapin dito sa Barnabite House, pagkatapos ng Misa sa 9:00AM. Minumungkahi po namin na kayong mag-anak ay dito na po magsimba. Inaanyayahan po namin kayong dumalo, kasama ng inyong mag-anak ayon sa bilang na sinabi ng inyong anak na maaring makadalo sa ating party. Ang layunin po ng party natin ay upang magkakakilala ang mga magulang ng mga Lingkod at maging masaya ang inyong mga anak. Nawa huwag ninyong makalimutan at sana ay bigyan n’yo po ng panahon. Hindi na po kinakailangan na kayo ay magdala ng pagkain ngunit kung inyo pong marapatin ay malugod po nating pagsaluhan.
Maraming salamat po. nawa’y patuloy ninyong suportahan ang inyong mga anak sa kanilang paglilingkod sa Dambana ng Panginoon.

Maligayang pasko po sa inyong lahat, pagpalain kayo ng Dios.

Kay Kristo Hesus na isinilang sa sabsaban,


Br. Joseph Ma. Bernales, CRSP
Tagapamahala ng mga Lingkod ng Dambana

Noted by:

Rev. Fr. Giovanni Ma. Scalese, CRSP
Superior/Rector

No comments:

Post a Comment

Ave Maria (Cello)