Traditional Catholic Latin Mass

To learn about the Traditional Latin Mass go to www.sanctamissa.org this site will be very helpful to all (priest, seminarians, servers, sacristans and the lay)

PRAYER REQUESTS

For some reasons this blog will be transformed into a Traditional Latin Mass Blog... Articles and news will soon be posted. Those who would like to know the reasons for the change may email fatimadevotion@yahoo.com, please give a little introduction of yourself. Tahnk you.

In as much as I would like you to update about the LDB many reasons hindered me to do so. Thank you and please continue to pray.

Wednesday, November 12, 2008

PAGTATALAGA

Rito ng pagtatalagang mga lingkod ng dambana

(To be done after the homily)
Commentator: Ngayon ay gaganapin natin ang pagtatalaga ng mga lingkod ng Dambana na nagnanais paglingkuran si Kristo at isabuhay ang mg utos niya.
Tagapamahala ng mga Lingkod: Reberendo Padre Giovanni Ma. Scalese, narito po ang mga kabataan na humiling na sila ay maitalaga bilang Lingkod ng Dambana. Sila ay sina _______.
(Tatawagin sila ng isa-isa at tatayo, sasagot ng “Narito po ako.” Pagkatapos ay lalapit patungo sa altar.) The in-charge will call them one by one and they answer “Narito po ako” and they will approach the altar.
Pari: Mga tagapaglingkod, ano ang nais ninyo?
Kandidato: Nais po naming makapaglingkod sa dambana ng Panginoon.
Pari: (to the incharge) Kapatid, inihanda mo ba silang mabuti upang maunawaan nila ang papasukin nilang Gawain?
Tagapamahala: Opo, Padre.
Pari: Tinawag kayo ng Panginoon upang sumunod sa kanya. Kayo ba ay nakahandang tumugon sa tawag Niya?
Kandidato: Opo, nakahanda kami.
Pari: Ang Banal na Espiritu ang siyang gumagabay sa atin sa pagtahak sa tamang landas. Handa ba kayong sumunod sa gabay ng Espiritu Santo sa buhay ninyo?
Kandidato: Opo, nakahanda kami.
Pari: Bilang mga Lingkod ng Dambana nakahanda ba kayong tuparin ang mga tungkuling iaatas sa inyo?
Kandidato: Opo, nakahanda kami.
Pari: Maisakatuparan nawa ninyo ang mga gawaing iniatang sa inyo sa tulong ni Kristo ngayon at magpasawalang hanggan.
Kandidato: Amen.


PAGBABASBAS NG MGA KASUOTAN

Commentator: Ngayon ay babasbasan ang mga simbulo na magiging gabay ng mga kabataang ito sa kanilang paglilingkod.

Pari: Manalangin tayo.
Ama naming mapagmahal na pinagmulan ng lahat ng biyaya, narito ang mga kasuotan ng iyong mga lingkod, basbasan mo ang mga ito na tanda ng kalinisan ng puso at kababaan ng loob sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
(Kung mayroon pang ibang simbulo na ibibigay, maari itong isama sa pagbabasbas sa bahaging ito.)
Lahat: Amen.
Pari: Tanggapin ninyo ang kasuotang ito at pakatandaan na hindi ito isang simpleng kasuotan lamang, kundi sumasagisag ng inyong taos-pusong paglilingkod kay Kristo.
(Isa-isang lalapit ang mga lingkod sa Pari at kukunin ang kasuotang ibibigay sa kanila.)
Commentator: Hinihiling po na lumapit ang mga magulang sa kanilang mga anak at tulungang isuot ang mga damit sa paglilingkod.
(Habang binibihisan ng mga magulang ang kanilang anak ay maaring sabayan ng isang maikling awit o instrumental music.)
Pagkatapos bihisan ang mga lingkod ng dambana, sila ay luluhod kasama ang kanilang mga magulang.(Ang mga magulang ay sa upuan na luluhod)


Kandidato: Panginoon/ narito po ako/ hindi man karapat-dapat/ ay tinawag mo/ upang maglingkod sa iyo./ Sisikapin ko pong maging tapat/ sa mga Gawain/ sa paglilingkod sa banal na Misa/ at sa pagtulong sa simbahan;/ at maging mabuting halimbawa sa aking kapwa./ Nawa’y tanggapin ninyo / ang munti kong alay na makapaglingkod ng tapat sa iyo./ Kaawaan mo nawa ako Panginoon.

Magulang: Panginoon, bilang mga magulang ng batang ito ay buong puso naming tinatanggap ang kanilang pagnanais na makapaglingkod sa pamamagitan n gaming panalangin at paggabay upang maging matatag ang kanilang sarili at pananampalataya sa Panginoon.



Pari: Diyos na maawain, ibinigay mo sa amin si Kristong anak mo hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod. Sa ngalan ng pag-ibig, ibinuwis niya ang kanyang buhay sa krus upang iligtas ang sanlibutan. Hinihiling namin na basbasan + mo ang mga kabataang ito na tinawag mo upang maging lingkod ng inyong banal na Dambana. Pagpalain mo rin ang mga magulang at buong pamilya na katuwang nila sa kanilang paglilingkod. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Lahat: Amen.

Commentator: Palakpakan po natin ang mga bagong Lingkod ng Dambana.

1 comment:

BARNABITE ALTAR SERVERS said...

This formula was obtain from my classmate who is a seminarian of the Diocese of Imus. Salamat po.

Post a Comment

Ave Maria (Cello)